Susuportahan ng mga mambabatas ang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang maisulong ang historical at cultural heritage ng bansa.

Suportado nila ang mga plano at programa ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Cultural Center of the Philippines (CCP), National Archives of the Philippines (NAP), National Historical Commission of the Philippines (NHCP), National Library of the Philippines (NLP), National Museum of the Philippines (NMP), at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF).

Iprinisenta ng mga ahensya sa House Committee on Basic Education na pinamumunuan ni Sorsogon Rep. Evelina Escudero ang kanilang mga mandato, plano at hamon na kinakaharap ngayon. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Lady driver na umararo sa resto ni Matteo, gas natapakan sa halip na brakes