HALOS taun-taon ay ipinagdiriwang ni Michael Pangilinan ang kanyang birthday sa pamamagitan ng isang concert. Ngayong taon, libreng show ang gaganapin sa food park sa Malate, Manila (Rajah Soliman) sa darating na November 26 bilang pagdiriwang ng kanyang 21st birthday. Regalo ito sa singer ni Manila Mayor Joseph Estrada bilang pasasalamat at pagtanaw ng loob kay Michael na nangampanya nang husto para sa kanya noong nakaraang halalan.

Ayon sa kanyang manager na si Jobert Sucaldito, star- studded ang pagdiriwang na magsisimula from 4 PM to 7 PM.

Kalalabas ng self-titled album ni Michael at birthday wish niya na ito’y maging Platinum bago matapos ang taon.

Ang main wish ni Michael ay malagpasan niya ang darating pang mga pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Tsika at Intriga

Lady driver na umararo sa resto ni Matteo, gas natapakan sa halip na brakes

(Remy Umerez)