ai-ai-copy

IPINOST ni Ai Ai delas Alas ang check na regalo ni Kris Aquino para sa ipinapatayo niyang simbahan sa may Quezon City. Worth P50,000 ang check na birthday gift na rin ni Kris kay Ai Ai. Isinabay ni Ai-Ai sa post niya ang regalo ni Susan Co ng Puregold.

“Thank you very much MS SUSAN CO OF PUREGOLD para sa gift ko wohoooo cute... and MS KRIS AQUINO sa gift niya saken na donation for KRISTONG HARI CHURCH... GOD BLESS BOTH OF YOU MORE AND MORE.”

May mga nag-react na sana hindi na ipinost ni Ai Ai ang check ni Kris para hindi nakita ang signature nito, pero sabi ni Ai-Ai, alam na ng tao ang signature ni Kris.

Human-Interest

ALAMIN: Gaano kabisa ang condom para hindi makabuntis?

Anyway, birthday ni Ai Ai ngayong Friday at isasabay ang paggawad sa kanya ng Papal Award, 3 pm, sa Cathedral of the Good Sheperd sa Novaliches, Quezon City. (Nitz Miralles)