DAGUPAN CITY, Pangasinan – Nasa walong bayan sa lalawigang ito ang inaasahang makararanas ng 10-oras na brownout bukas, Nobyembre 12.

Sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na simula 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay walang kuryente sa mga sineserbisyuhan ng CENPELCO sa San Carlos City, Malasiqui, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Mangatarem, Aguilar at Urbiztondo.

Ito ay upang bigyang-daan ang maintenance activities sa Labrador-Quibaol at Quibaol-San Carlos 69kV line segments.

(Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Casualties sa nagpapatuloy na “search and rescue” sa MV Trisha Kerstin 3, umakyat na sa 51