MAYANTOC, Tarlac - Nakaranas ng matinding pang-aabuso ang isang walong taong gulang na babae sa kamay ng isang binatilyo sa Barangay Caocaoayan, Mayantoc, Tarlac, nitong Miyerkules ng hapon.

Sinamahan ang paslit ng 62-anyos niyang lola sa Women’s and Children’s Protection Desk ng Mayantoc Police para ireklamo ang 14-anyos na suspek.

Sa imbestigasyon ni PO3 Venus Maregmen, dakong 5:00 ng hapon at nanonood ng TV ang suspek at biktima nang biglang itulak ng binatilyo sa kama ang bata at inabuso.

Desidido naman ang pamilya ng paslit na ituloy ang demanda laban sa binatilyong suspek. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lalaking nahaharap sa 26 rape cases, arestado!