Pinatotohanan ng Department of National Defense (DND) na babawasan na ng pamahalaan ang bilang ng joint military exercises ng United States at Pilipinas, gayunpaman tuloy pa rin ito.

Sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang desisyon ng pamahalaan ay kanilang ipapaalam sa US government kapag nagpulong ngayong buwan ang Mutual Defense Board- Security Engagement Board (MDB-SEB).

Nilinaw ni Andolong na hindi naman kailangan ang approval ng United States hinggil dito, at ang kailangan lamang ay kasunduan.

Ayon kay Andolong, batay sa naging rekomendasyon ng DND ay magkakaroon lamang ng anim hanggang pitong joint military exercises ang AFP sa US na halos kalahati ang nabawas.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Kasabay nito, kinansela ang dalawa pang joint war games -- ang Philippine Bilateral Exercises (Phiblex) at ang Cooperation Afloat Readiness (CARAT). (Fer Taboy)