Makakasundo rin ng Pilipinas si Trump.

Ito ang binigyang-diin ni US Chargé d’Affaires to the Philippines Michael Klecheski kahapon habang lumilinaw ang panalo ni Republican Donald Trump sa kay Democratic candidate Hillary Clinton sa US elections.

“We have done a lot together. We have worked in so many areas cooperatively. So in that sense, whoever wins in this elections, our country will value the ties with the Philippines as it has over all these many decades and that i can say in full confidence,” aniya sa mamamahayag sa US election party sa Sofitel Plaza, Pasay City.

Hindi maaapektuhan ng resulta ng United States presidential elections ang relasyong ng Pilipinas at US at mananatili itong matatag sa kabila ng mga pagbabago.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

“We have a tremendous number of Americans living in the Philippines. We have tremendous number of Filipino-American living in the United States,” dagdag niya. (Raymund F. Antonio)