Sa pagdating ni multi- titled coach Yeng Guiao bilang bagong mentor, inaasahang magiging contender ang koponan ng NLEX ngayong darating na PBA 42nd Season.

Ang nasabing pagpapalit ng coach ang pinakamalaking pagbabagong ginawa ng Road Warriors na naghahangad na magwagi ng kampeonato makaraan ang tatlong taon mula ng lumahok sila sa liga.

Inaasahang dadalhin ni Guiao ang kanyang sistema na umani ng maraming titulo para sa mga koponang kanyang nahawakan.

Ngunit, ayon kay Guiao inaasahan niya na matiyagang tatanggapin ng Road Warriors ang naturang sistema.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Installing a new system, and more importantly a new culture won’t happen overnight. Something like that takes a little bit of time, but we’ll be very patient. And we’re expecting that we will improve gradually starting this conference,” ani Guiao .

Sa ngayon, masaya si Guiao sa komposisyon ng koponan na pinamumunuan nina Mythical Team members Asi Taulava at Sean Anthony ,Kevin Alas, Garvo Lanete, Jonas Villanueva, ang bagong lipat ding sina Carlo Lastimosaa, Bradwyn Guinto, at Glenn Khobuntin, at rookie Fonso Gotladera .

“I think we’re getting closer. What we need in this team are upgrades and I think we already have those.”

Ngunit sa ngayon, panahon nalamang ang makapagsasabi kung magagawa rin ni Guiao na bigyan ng kampeonato ang NLEX. (Marivic Awitan)