Nobyembre 10, 1969 nang iere ng children’s television show na “Sesame Street” ang una nitong episode sa Public Broadcasting Service in the United States (U.S.).
Binuo ng dating public television documentary producer na si Joan Ganz Cooney at experimental psychologist na si Lloyd Newton Morrisett, Jr., ang “Sesame Street” ang unang programa na binuo para turuan ang mga bata, partikular na ang mga preschooler, alpabeto at pagbibilang. Ito ay nakilala sa pamamagitan ng Muppets ni Jim Henson, gaya nina Big Bird, Cookie Monster, Bert and Ernie, Grover, at Oscar the Grouch.
Isinahimpapawid ang show sa mahigit 120 bansa simula nang ipalabas ito.