Grounded muna ang lahat ng Sokol helicopter ng Philippine Air Force (PAF) habang isinasagawa ang imbestigasyon kasunod ng pagbagsak nito sa Puerto Princesa City, Palawan na ikinasugat ng isang general ng Philippine National Police (PNP) at tatlong iba pa nitong Martes ng hapon.

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Antonio Francisco, sisimulan na ang imbestigasyon sa ginawang emergency landing ng Sokol helicopter sa naturang lugar, at anim pang Sokol ang pinagbawalan munang lumipad hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon.

Ipinag-utos na ni Lt. Gen. Edgar Fallorina, PAF chief, ang agarang pagpapadala ng investigating team sa Palawan kaya naman umalis na kahapon patungong Palawan ang grupo ng mga imbestigador kasama ang ilang aircraft mechanic.

Batay sa record ng PAF, bahagyang nasugatan sa insidente si Chief Supt. Wilben Mayor, director ng Police Regional Office (PRO)-4B at dating tagapagsalita ng PNP.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sakay din sa bumagsak na Sokol ang tatlo pang police general na sina Chief Supt. Camilo Pancratius Cascolan, directorate for operations; Chief Supt. Nestor Bergonia, ng National Operations Command sa Camp Crame; at isa pang na tinukoy lamang sa pangalang Chief Supt. Corpus.

Bukod sa apat na heneral, may siyam na iba pang lulan sa helicopter na pawang ligtas lahat.

Batay sa pahayag ng dalawang piloto na sina 1st Lt. Gino Solano at Major Michael Yraolo, pumalya ang isang makina ng Sokol, at ang standard operating procedure, anila, ay kaagad na mag-emergency landing.

Nagsagawa ng aerial inspection ang grupo ni Mayor sa lugar kaugnay ng seguridad na ipatutupad para sa ASEAN Justice Conference sa Palawan simula ngayong araw. (FER TABOY)