past-winners-angelo-cacciatore-copy-copy

NAGBABALIK ang Mossimo Bikini Summit sa ikasiyam nitong taon para muling maghanap ng pasisikating modelo.

Kukuha ng 32 finalists mula sa screenings ng event’s pocket shows na gagawin sa Davao, Cebu, Bohol, Pangasinan, Palawan at Manila.

Dadaan sa workshops ang finalists sa pangunguna ng magiging mentors na sina America’s Next Top Model Cycle 22 Stefano Churchill at Asia’s Next Top Model Cycle 3 first runner-up Monika Sta. Maria.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Magbabalik din sa Boracay ang patimpalak, partikular sa Hennan Regency Resorts and Spa para doon ganapin ang grand finals. Ang grand winners isang lalaki at isang babae ay mag-uuwi ng tig-P250,000, samantalang ang 1st runner-up ay P150,000 at P100,000 naman sa 2nd runner-up.

Kabilang celebrities na nag-umpisang sumikat sa Mossimo Bikini Summit sina Carlo Maceda, Jordan Herrera, Edward Mendez, AJ Dee, Eri Neeman, Gerard Acao, Mark Cruz, Kim de Guzman, Kiko Matos at ang ngayo’y Hollywood actor na si Marco Grazzini, at iba pa.

Ang #MBSmodelsupremacy2017 ay production ng Lumina Events Management Inc. sa pangunguna ni Director Bernard Yabut Maybituin at ni Direk Calvin Neria.

Ang Mossimo Bikini Summit – Model Supremacy ay suportado ng Henann Regency Resort and Spa, The Penthouse 8747, Councilor Juris Sucro of Kalibo, Aklan, Think + Talk, Elinnov, JPC Audio Rental, Allocacoc Ph, Adventure Street Travel and Tours, at ng Creations by Lourd Ramos.

Para sa detalye, maaaring bisitahin ang kanilang Facebook page: naModel Supremacy 2017 o sa www.themodelsupremacy.com