ito-copy-copy

TOKYO -- Ipinahayag ng ONE Championship™ ang pagpili kay Japanese executive at MMA fanatics Yoshiaki Ito bilang pangulo ng ONE Championship (Japan).

Ang pagkakatalaga kay Ito ay bahagi ng programa ng promosyon na palawigin at patatagin ang MMA sa buong Asya.

Si Ito ang founder ng X-TANK Consulting, dating CEO ng Haier Asia Group, at dating Senior Vice President sa Sony Pictures Entertainment. Sa kanyang pangangasiwa sa Haier, nakagawa si Ito ng US$1.2 bilyon revenue at nakapagbigay ng trabaho sa may 6,400 empleyado.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang pagkakasama ni Ito sa ONE family ay inaasahang magdadala ng bagong antas sa organisasyon.

“I am elated to join ONE Championship, one of the greatest global sports brands. It’s amazing to be a part of the rapid growth of MMA in Asia. I will focus my efforts on developing the budding Japanese market. Japan has always enjoyed sports entertainment and ONE Championship’s unique live event atmosphere is something I am delighted to share with Japanese fans,” sambit ni Ito.

Ipinanganak at lumaki sa Bangkok, Thailand, nakapagsasalita si Ito ng Japanese, Thai, at English.

Napili rin siya sa Top 100 global leaders/innovators sa taong 2015 ng Nikkei Business, the Direct to Top Award and Best Leader Award from Dell Asia Pacific, gayundin ang Money Ball Award at Global Best Leader Award mula sa Sony Pictures Entertainment.

“ONE Championship continues to seek out the top executives from various fields to become part of our elite senior management team. Yoshiaki Ito is an excellent asset to have on our team. He, along with our very capable leadership, will be responsible for taking our organization to the next level and beyond. We are excited at the possibilities and welcome Ito-san to the ONE Championship family,” pahayag ni ONE executive Victor Cui.