Hindi kasama sa agenda ng dalawang araw na official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malaysia ang usapin sa Sabah.

Bago umalis sa bansa, sinabi ng Pangulo na magpopokus siya sa pagpapalakas sa defense cooperation ng bansa sa Malaysia para tiyakin ang seguridad sa karagatan at sa kampanya kontra droga. Nilalayon din niyang makuha ang patuloy na suporta ng katabing bansa sa peace process sa Mindanao sa halip na banggitin ang isyu ng Sabah sa ngayon.

“Not at this time because my visit is just one day to focus on what is happening in the Malacca Strait. That area there, it’s a vital artery going to the Pacific Ocean,” sabi ng Pangulo nang tanungin kung babanggitin niya ang Sabah claim.

“The focus of my visit shall be to strengthen the Philippines’ partnership in Malaysia for security and stability, these are the foundations of our nation’s peace process, progress, and prosperity. Foremost on my agenda is the maritime security and the fight against piracy at sea,” dagdag niya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang Pilipinas ay mayroon standing claim sa Sabah sa loob ng maraming dekada ngunit iginiit ng Malaysia na ang lugar ay nasa loob ng teritoryo nito.

Umalis ang Pangulo kahapon para sa mabilisang pagbisita sa Thailand upang dumalaw sa burol ng namayapang si Thai King Bhumibol. Pagkatapos nito ay didiretso na siya sa two-day official visit kinahapunan.

Sa kanyang pag-alis, sinabi ng Pangulo na magbibigay-galang muna siya sa namayapang Thai King, na kanyang ginunita bilang “true friend of the Philippines.”

Mula sa Thailand, bibiyahe ang Pangulo patungong Kuala Lumpur para makipagpulong kay Malaysian Prime Minister Najib Razak sa pagsisikap na palawakin pa ang “collaboration” sa pagtatamo ng kapayapaan at kaunlaran. Makikipagpulong din siya sa Filipino community kinagabihan. (Genalyn D. Kabiling)