PORT-AU-PRINCE, Haiti — Sinimulan na ng health authorities sa Haiti ang kampanya para mabakunahan ang 800,000 katao laban sa cholera sa mga lugar na pinakamatinding tinamaan ng Hurricane Matthew.

Namigay ang Ministry of Health ng oral medication sa Sud at Grand’ Anse. Mayroong tinatayang 3,500 pinaghihinalaang kaso ng water-borne illness simula nang bagyo. Ang bakuna ay nagbibigay ng anim na buwang proteksyon.

May10,000 katao na ang namatay sa cholera sa Haiti simula Oktubre 2010.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina