Nabimbin ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa draft executive order (EO) para sa nationwide smoking ban dahil nawawala ang kopya nito.

Ito ang inihayag ni Department of Health (DoH) Secretary Paulyn Ubial, kasabay ng pagtiyak na naisumite na ng ahensya ang draft EO sa legal staff ng Executive Secretary noon pang Setyembre 16.

“It has been reviewed by the legal staff of the Executive Secretary. But when we followed it up with the office, it seems they lost the copy,” ani Ubial.

Dahil dito magsusumite uli ng bagong kopya ang DoH para lagdaan ni Duterte.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

Ang kautusan hinggil sa smoking ban sa buong bansa ay plano sanang lagdaan ng Pangulo noong Oktubre. Nabimbin ito nang mawala ang kopya ng draft.

Sa ilalim ng panukalang EO, ipagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar. Layunin ng EO na bawasan ng hanggang 10 porsiyento ang paninigarilyo sa bansa.

“This will be our legacy to our people: For a healthier Philippines with less and less people using tobacco. And less and less people using tobacco in public places,” dagdag pa ni Ubial. (Argyll Cyrus B. Geducos)