Kinuwestiyon ng mga miyembro ng House Committee on Health ang kakayahan ng Department of Health (DoH) sa ilalim ni Secretary Paulyn Jean B. Rosell-Ubial kung matutugunan nito ang mahahalagang isyung pangkalusugan, tulad ng mga kagat ng hayop, pangangalaga sa ngipin, at pangangasiwa sa drug rehabilitation centers.

Ang pagkuwestiyon sa kakayahan ng DoH ay ginawa ng mga kasapi ng komite na pinamumunuan ni Quezon Rep. Angelina Tan, sa pagdinig kung saan iniharap ang mga mandato, programa at mga nagawa ng DoH at ng mga ahensya nito.

Tinanong ni Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy ang DoH kung may animal bite centers sa lahat ng siyudad, lalawigan at malalayong lugar sa bansa.

Sagot ni Ubial, mayroong mahigit 600 animal bite centers sa bansa. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji