Bahala na ang Supreme Court (SC) sa kasong isinampa ni Senator Leila de Lima, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I don’t know what are my sins so I’d rather leave it to the court. If there are cases filed already, eh ‘di hayaan natin,” pahayag ng Pangulo sa isang press conference, bago siya tumulak sa Thailand at Malaysia.

“Mine was just to make public what was or is the corruption of the day and how drugs prorate inside our penal institutions, not only sa Muntinlupa but sa mga kolonya and to this day, they are still making money from the inside,” ani Duterte.

Magugunita na nagsampa ng test case sa SC si De Lima, kung saan sinusubukan ang ‘immunity from suit’ ng Pangulo.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Inihain ni De Lima sa SC ang habeas data, petisyon na naglalayong pigilan ng korte ang pag-atake ng Pangulo laban sa Senadora.

Si De Lima ay magugunitang idiniin sa umano’y pagtanggap ng drug money mula sa drug lords sa New Bilibid Prisons (NBP), samantala paulit-ulit ding binanggit ng Pangulo na may relasyon si De Lima sa dating drayber niya na si Ronnie Dayan.

Pinabulaanan naman ito ni De Lima. (Genalyn D. Kabiling)