NATUKLASAN sa bagong pag-aaral ng isang siyentistang Australian na kung patuloy na tataas ang kasalukuyang carbon-emission ng planeta, “the hottest year on record globally in 2015 could be just another average year by 2025.”

Isinapubliko ang dokumento sa mismong araw na naging epektibo ang Paris Climate Change Agreement, ang kasunduang nilagdaan ng 193 miyembro ng United Nations na layuning mapababa ang global emission. Napag-alaman din na kahit na anong gawing aksyon, hindi na mababago ang “new normal” na karaniwang temperatura ng mundo.

Para ipaliwanag ang konsepto, sinabi ni Dr. Sophie Lewis mula sa ARC Centre of Excellence for Climate System Science ng Australian National University: “Based on a specific starting point, we determined a new normal occurred when at least half of the years following a record year were cooler and half warmer. Only then can a new normal state be declared.”

Dagdag pa ni Lewis, “If we continue with business-as-usual emissions, extreme seasons will inevitably become the norm within decades and Australia will be the canary in the coal mine that will experience this change first.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Binigyang-diin ng pag-aaral na “Defining a New Normal for Extremes in a Warming World” na: “At the regional level, a new normal can be delayed through aggressive greenhouse gas emissions reductions.”

Noong Huwebes, nagbigay ng babala ang UN Environment head na si Erik Solheim, sinabing kung hindi paiigtingin ang mga hakbangin sa ngayon, na sisimulan sa idaraos na climate meeting sa Marrakech, “we will grieve over the avoidable human tragedy. The growing numbers of climate refugees hit by hunger, poverty, illness and conflict will be a constant reminder of our failure to deliver. The science shows that we need to move much faster.”

Gaganapin ngayong Nobyembre ang 12-araw na COP22 Conference on Climate Change sa Marrakech, Morocco, kung saan tatalakayin ang carbon emission. (PNA)