Kipkip ang bagong kumpiyansa matapos magwagi sa dating walang talo at No.1La Salle Archers, target ng Ateneo Blue Eagles na makatabla sa No.2 spot sa pakikipagtuos sa matikas na Far Eastern University ngayon sa UAAP Season 79 seniors basketball tournament sa MOA Arena.

Tatangkain naman ng humaharibas na Adamson Falcons na masiguro ang kapit sa Final Four sa pakikipagharap sa sibak ng University of Santo Tomas Tigers.

Nakatakda ang duwelo ng Ateneo (8-3) at FEU sa 2:00 ng hapon, habang magkakasagupa ang Falcons at Tigers sa 4:00 ng hapon.

Kung magwawagi, magtatabla ang Eagles at Tamaraws sa second spot, gayundin makukuha ng Ateneo ang bentahe sakaling gamitin ang win-over-the-other rule. Nagwagi ang Ateneo sa FEU, 75-71, sa unang pagtatagpo sa elimination noong Setyembre 14.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Asam naman ng Falcons (6-4) na maselyuhan ang No.4 spot. Nanaig ang Adamson sa UST, 77-52, sa unang pagtatagpo sa elimination noong Oktubre 5.

"For me, what I have been stressing, we have to take care of our own destiny," pahayag ni Adamson coach Franz Pumaren.

“We don't look at the other team standings.Our destiny is iin our hands and we just have to take it one game at a time." (Marivic Awitan)