MANAGUA (AFP) – Gaya ng inaasahan ay nagtagumpay si Nicaragua leftist President Daniel Ortega na masungkit ang ikatlong magkakasunod na termino, kasama ang asawang si Rosario Murillo bilang vice president. Lumabas ang mga resulta ng halalan noong Lunes, ngunit kinondena ng oposisyon at ng United States ang eleksyon.

Sa 99.8 porsiyento na ng mga nabilang na balota, nakuha ng 70-anyos na dating Marxist rebel ang 72.5% ng boto. Ang pinakamalapit niyang kalaban na si Maximino Rodriguez ay nakakuha lamang ng 15%.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina