BAGHDAD (Reuters) – Dinukot ng mga mandirigma ng Islamic State ang 295 na dating kasapi ng Iraqi Security Forces malapit sa kanilang balwarte sa Mosul at pinuwersa ang 1,500 pamilya na umatras kasama nila mula sa bayan ng Hammam al Alil, sinabi ng United Nations human rights organization nitong Martes.
Nangyari ang mga pagdukot noong nakaraang linggo habang patuloy ang paglusob ng Iraqi government forces, Kurdish peshmerga at Shi’ite militias suportado ng U.S.-led air strikes upang mabawi ang Mosul mula sa Islamic State.
“People forcibly moved or abducted, it appears, are either intended to be used as human shields or - depending on their perceived affiliations - killed,” sabi ni Ravina Shamdasani, tagapagsalita ng U.N. High Commissioner for Human Rights.