ADDIS ABABA, Ethiopia (AP) – Nagpulong ang pitong African leaders sa African Union headquarter sa Ethiopia noong Martes upang ilunsad ang bagong inisyatiba para resolbahin ang 5-taong krisis sa Libya.

Nilalayon ng African Union na kaagad mapagsama-sama ang lahat ng Libyan stakeholders upang makapag-usap ang mga ito.

“There is no military solution to the Libyan crisis and this must be understood by all stakeholders,” sabi ni Idris Deby, President ng Chad at chairman ng African Union.

Tatalakayin ng mga lider ng Chad, Congo, Ethiopia, Niger, South Africa, Sudan at Uganda kung paano makatutulong ang African initiative sa pagresolba sa Libyan crisis. Ang African Union panel sa Libya ay suportado ng United Nations.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture