ILOILO CITY – Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa tungkulin kay Dingle Vice Mayor Rufino Palabrica III kaugnay ng reklamong grave misconduct at dishonesty na isinampa sa kanya noong Oktubre 2015, nang siya pa ang alkalde ng nasabing bayan.
Napatunayan ng Ombudsman na gumamit si Palabrica at ang asawa niya ng dummy para sa negosyo nilang Tri-B Marketing upang igawad sa kumpanya ang mga multi-bilyong pisong proyekto ng pamahalaang bayan noong siya pa ang alkalde nito.
Matapos makumpirma sa imbestigasyon ng Ombudsman na nakarehistro kay Mrs. Palabrica ang Tri-B, taong 2007 nang ilipat ng ginang ang pagmamay-ari rito kay Eden G. Castañeda, isang maralita mula sa kalapit na bayan ng San Enrique. (Tara Yap)