Hindi nakaligtas sa lumalagablab na apoy ang isang ginang, habang sugatan ang isang matandang babae at kanyang apo, matapos masunog ang kanyang bahay sa Barangay Tandang Sora, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni QC Fire Marshall Sr. Supt. Jesus Fernandez, kinilala ang nasawing biktima na si Emerita Duyan, 60, nagtamo ng 3rd degree burn.

Sugatan naman sina Helen Goloran, 70, at kanyang apo na si Patrick Yanguas, 24, kapwa residente ng No. 98 Gen. Avenue, Bgy. Tandang Sora, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng Quezon City Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong 3:00 ng madaling araw, nakarinig ng malakas na pagsabog mula sa unang palapag ng bahay ni Duyan at mabilis na kumalat ang apoy sa ikalawang palapag hanggang sa nadamay ang 24 na katabing bahay.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Nahirapang makalabas sa kanyang bahay si Duyan at tuluyang nakulong sa naglalakihang apoy.

Aabot sa P2 milyong halaga ng ari-arian ang natupok. (Jun Fabon)