HANGGANG ngayon ay bitin ang sagot ng source namin sa TV5 kung babangon ulit ang entertainment department nila dahil may ilang artista silang hindi pa expired ang kontrata tulad nina Mark Neumann, Jasmin Curtis-Smith na bagamat hanggang ngayong Nobyembre na lang ay may option to renew, sabi ng aktres nang makausap namin sa press launch ng Cinema One Originals Festivals 2016 launching at si Derek Ramsay na hanggang 2018 pa.
Kaya sa kanyang solo presscon para sa The Escort, tinanong namin si Derek kung hanggang kailan ang kontrata niya.
“I’m under contract until 2018, April 2018,” sagot sa amin.
At medyo mahigpit sa kanya ang TV5 management, hindi siya puwedeng mawala ng matagal para sa mag-compete sa Frisbee International na gaganapin sa Amerika.
“Sayang nga, eh, hindi ako pinayagan ng Singko, I was asked to play professionally in the US, hindi ako pinayang mawala ng three to four months,” saad ng aktor.
Kahit nakakailang operasyon na si Derek sanhi ng injury sa paglalaro niya ng Frisbee ay hindi pa rin siya tumitigil.
Sa katunayan, nag-champion uli ang team niya kamakailan. Wala siyang kadala-dala.
“I was the number one highest score in the world, our team finished sixth in the world, but I was the highest score in the world and then it’s first Filipino (na nakakuha ng mataas na score).
“And then, we competed in Hong Kong last week, nanalo kami at five years straight nanalo and two weeks before that, nanalo kami sa Taiwan,” kuwento ni Derek.
“Kung kailan gusto ko na talagang mag-retire, saka naman maraming imbitasyon. Sa November, mayroon akong laban, dito naman sa Pilipinas and 60 teams from all over the world.”
Ang dami-dami palang medalyang naiuuwi ng Pilipinas sa larangan ng frisbee, pero bakit wala man lamang nababalita?
“It would be nice if the government will give us some sort of recognition, but that’s not what I do it for, I’m proud to represent the country when I put a uniform that bares the colors of our flag, lahat ng sakit ng katawan mo, walang bayad ‘yan, it’s the best feeling. For me, as an athlete, highest level ‘yan,”kuwento ng aktor.
Bakit nga ba walang masyadong balita sa Pilipinas tungkol sa frisbee?
“Because we were into basketball. And Frisbee is probably the fastest growing sports in the country right now, when I started in 2005-2006, there’s only 4 teams, now in the Philippines alone, there’s 300 teams, so it’s insane how many players and now we have national every year. So the sports are getting bigger. We don’t need the attention like basketball,” katwiran ni Derek.
Hindi lang sa frisbee magaling si Derek, sumasali rin sira sa car racing na magagamit niya ngayon sa pelikulang gagawin niya, ang The Enzo Pastor Story.
“Direk Enzo Williams (direktor din nila ni Lovi Poe sa The Escort) will direct at ang ganda ng teaser na ginawa nila na,” kuwento ni Derek.
Tungkol lang sa pagiging sportsman ni Enzo Pastor ang ipapakita sa pelikula at hindi raw tungkol sa ibang isyung kinasangkutan nito sa asawa.
“Well, alam n’yo naman, I’m a sports guy, so kailangan nila ako gamitin du’n,” aniya.
At tungkol din sa sports ang programang gagawin niya sa TV5.
“I’m so willing to give my services to help them in sports so we can come up with sports concept shows. They’re doing all of that right now, to see what show they can give me, pero (walang trabaho). I’m just here waiting for work,” say ng aktor.
Nabanggit pa ni Derek na nalulungkot siya sa kinahinatnan ng TV5 dahil ang ganda raw ng simula nito noon.
“It’s pretty sad because you need talent there. The network won’t work if you don’t have the talents, so it’s kinda sad that the contracts of the other artists are done.
“But, you know, they know all the details and why they have to do it. I guess they’re cutting costs to rebuild again so, it’s sad, na ako na lang natitira.
“I dunno, but again if that time comes, when the time comes, they’re my priority if they wanna renew me. They’ve been good to me, so I can’t say.
“It’s not directly their fault na wala silang mabigay sa akin, di ba? So again, nandito lang ako naghihintay, na kapag kailangan nila akong mag-trabaho, nandito ako para magtrabaho.
“But in the meantime, I’m keeping my name out there by doing movies and supportive sila sa akin when it comes to that, so I can’t complain,” paliwanag pa ni Derek.
May offer ba sa kanya ang ibang network?
“Ayokong isipin pa ‘yun, eh. Kasi baka masaktan ‘yung network ko, na nag-iisip na ako ng mga bagay na ganu’n.
“So I won’t entertain that in my head for now. Ang focus ko is to help TV5 in any way that I can para umahon, para maging isang stable network that’s competing competitively against these other networks,” say ng lead actor ng The Escort. (Reggee Bonoan)