SEOUL (AP) – Ni-raid ng South Korean prosecutors ang opisina sa Seoul ng Samsung Electronics kaugnay sa lumalawak na influence-peddling scandal na kinasasangkutan ng matalik na kaibigan ni President Park Geun-hye.

Sinabi ng Seoul Central District Prosecutors’ Office nitong Martes na ang raid ay bahagi ng imbestigasyon sa eskandalong nakasentro sa kaibigan ni Park na si Choi Soon-sil, na inaakusahan ng fraud at meddling in state affairs.

Walang ibinigay na detalye

Iniulat ng Yonhap news agency na ito ay may kaugnayan sa hinalang nagbigay ang Samsung ng illicit financial assistance sa anak na babae ni Choi.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'