robert-de-niro-copy

GINAMIT ng mga A-list star ang pagsisimula ng Hollywood awards season noong Linggo sa pagbibigay ng paalala-ala sa publiko tungkol sa U.S. presidential election.

Hinimok ni Robert De Niro ang mga manonood ng Hollywood Film Awards na iboto si Hillary Clinton, at inihayag na ang nagaganap sa kasalukuyang takbo ng pulitika ay maihahalintulad sa pelikula ng Marx Brother na mga baliw na ang nagpapatakbo sa mundi (“lunatics rule the world”).

Tinanggap ni De Niro, na tinawag ang kandidato ng Republican na si Donald Trump na “totally nuts,” ng Hollywood Comedy Award para sa kanyang pagganap sa The Comedian.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Nang tanggapin naman ng award para sa kanyang dokumentaryo na Before The Floord, sinabi ni DiCaprio na ang climate change ay “urgent threat to life on earth as we know it.” Inihayag ng direktor na si Fisher Steven na libreng mapapanood ang pelikula sa buong araw ng eleksiyon.

Itinatag ng negosyanteng si Carlos de Abreu, ang Hollywood Film Awards ay nakipagtulungan sa dick clark productions simula noong 2014 nang ipalabas ang show sa CBS.

Hindi na televised ang programa, ngunit halos lahat ng artista ay nagbabasa ng script mula sa prompter.

“Even though I didn’t write that, I absolutely agree with that,” saad ni Susan Sarandon nang basahin ang makabagbag-damdaming mensahe tungkol kay Portman, na pinarangalan sa pagganap bilang Jacky Kennedy sa Jacky, ­na ipapalabas sa Disyembre 2.

Nagsalita naman si Naomie Harries tungkol sa pagbura niya sa kanyang judgment nang gumanap siya bilang inang adik sa droga sa Moonlight.

“I am forever changed as a result of this journey,” aniya.

Tumanggap si Nicole Kidman ng supporting actress prize para sa Lion, ang pelikula na “will show people the inherent goodness in all of us.”

Si Eddie Murphy ang pinarangalan ng career achievement award. Binigyan siya ng standing ovation, at nagbigay ng reaksiyon na, “(it) warms the cockles of one’s heart on a Sunday.”

“This is a very, very, very chatty group. I’ve never heard such long speeches ever,” ani Murphy, na napansing hindi gumamit ng prompter.

“I really wish I had a chatty, chatty, chatty speech for you,” aniya. “I know everybody’s been sitting here for a while. But I’m very moved and very honored, so thank you very much.”

Isinara ni Corden ang palabas sa pagsasabing, “We’re out of fake awards to give out.”

Sa natitirang awards season ng Hollywood, ihahayag ang mga mananalo sa Golden Globe Awards sa Diyembre 12., sa Disyembre 14 naman ang Screen Actors Guild at sa Enero 24, 2017 ang Academy Awards. (Reuters at AP)