TOKYO (AFP) – Isang higanteng sinkhole ang nagisnan ng mga mamamayan sa isang lungsod ng Japan, kahapon.

Ang hukay sa isang abalang intersection sa katimugang lungsod ng Fukuoka ay tinatayang may lawak na 20 metro o kasinlaki ng Olympic size na swimming at kasing lalim ng dalawang palapag na gusali.

Nakita sa TV footage na nagsimula ito sa dalawang lubak sa gitna ng kalsada hanggang sa lamunin ang lupa sa harapan ng Hakata Station dakong 5:00 ng umaga.

Ang insidente ay nagbunsod ng paglikas ng ilang residente sa mga katabing gusali, at pagkaputol ng supply ng kuryente, tubig at gas sa ilang lugar sa lungsod.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina