BAGUIO CITY – Umaapela sa pulisya ang Korean community na bigyang prioridad ang pagdakip sa mga suspek sa pagpatay sa kanilang kababayan sa siyudad na ito, nitong Oktubre 29.
Naglaan ang Korean community ng P300,000 pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy ang mga pumatay kay Jeon Jun Seo, 51, negosyante, kilala bilang Henry Seo. (Rizaldy Comanda)