RENO, United States (AFP, Reuters) – Nagkaroon ng banta sa seguridad sa kampanya ni Republican presidential candidate Donald Trump sa Reno, Nevada noong Sabado.

Nagsimula ito nang mapansin ni Trump na may nanggugulo sa harapan ng entablado. Makalipas ang ilang sandali ay itinuro ng mga tao ang isang lalaki.

Kaagad na prinotektahan palayo sa entablado ng tatlong Secret Service officers si Trump.

Makikita sa television footage na dinakma ng mga awtoridad ang suspek at pinadapa sa lupa.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

Matapos ang kaguluhan ay kaagad ding bumalik sa entablado ang 70-anyos na si Trump at ipinagpatuloy ang kanyang talumpati.

‘’Nobody said it was going to be easy for us, but we will never be stopped, never ever be stopped,” deklara niya.

Pinasalamatan din ni Trump ang United States Secret Service at law enforcement resources sa Reno, Nevada “for their fast and professional response.”

‘’I want to thank the Secret Service. These guys are fantastic. They don’t get enough credit. They don’t get enough credit. They are amazing people,’’ ani Trump.

Kalaunan ay sinabi ng Secret Service na nagkagulo nang isang hindi nakilalang lalaki sa harapan ng entablado ang sumigaw ng “gun.”

“Secret Service agents and Reno Police Officers immediately apprehended the subject. Upon a thorough search of the subject and the surrounding area, no weapon was found,” saad sa pahayag ng Secret Service.

“A thorough investigation is ongoing at this time by the U.S. Secret Service and the Reno Police Department,” ayon dito.