LAS VEGAS (AP) – Nagdiwang din ang China sa laban ni Manny Pacquiao.

Hindi dahil naging kampeon muli ang eight-division world champion, bagkus ang pagkapanalo ni Olympian Zou Shiming kay Thai Prasitsak Phaprom via unanimous-decision para makamit ang WBO flyweight championship nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa Thomas & Mack Center.

Nakamit ng two-time Olympic gold medalist ang kauna-unahang world title nang maiuwi ang bakanteng titulo.

Naungusan ng 35-anyos mula sa Mainland si Kwanpichit sa puntos kung saan dalawang hurado ang nagbigay ng 120-107, habang umiskor ang isa ng 119-108.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Now my dream is complete,” sambit ni Zou.

“I am a pro champ, Olympic champ and world champion.”

Ang duwelo nina Zou at Kwanpichit ang unang undercard sa laban nina eight-division world champion Manny Pacquiao at WBO welterweight title holder Jessie Vargas.

Nakamit ni Zou ang boxing gold sa 2008 Beijing at 2012 London Games.

Nahila ni Zou ang karta sa 9-1.