Hiniling ni Philippine Football Federation president Mariano ‘Nonong’ Araneta na idiskwalipika si incumbent POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco sa pagtakbo sa gaganaping election sa Philippine Olympic Committee.

Binira rin ni Araneta ang kandidatura si Joey Romasanta, POC first vice president at kilalang malapit kay Cojuangco, para sa gaganaping election ng Olympic body sa Nobyembre 25.

Sa kanyang reklamo na isinumite sa POC Comelec, iginiit ni Araneta na nilalabag ni Cojuangco ang International Olympic Committee Code of Ethics sa kanyaang pagtakbo bilang pangulo sa ikaapat na termino.

Iginiit din ni Araneta na nilabag ni Cojuangco ang IOC organization provision noong Disyembre 12, 1999 na ang fixed term ng pangulo ay walong taon lamang at may renewable na apat na taon lamang para sa kabuuang 12 taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“As a Sportsman as he himself declares himself to be, President Cojuangco should have voluntarily refrained from running another term, even without any protest like this objection leveled upon him,” pahayag ni Araneta.

Kabilang si Araneta sa grupo ni boxing president Ricky Vargas na kamakailan ay diniskuwalipika ng POC Comelec bunsod sa pagiging hindi ‘active member’ matapos mabigong dumalo sa POC general assembly meeting.

Ayon kay Araneta, nakasaad sa Section 2.8 ng IOC Code of Ethics na “elections should be governed by clear, transparent, and fair rules.”

“In disqualifying candidates of Congressman Abraham Tolentino and Mr. Victorico P. Vargas, without due process, the POC, the Election Committee, and President Jose S. Cojuangco, Jr. are guilty of derailing the electoral process with the end in view of perpetuating the term of office of the incumbent President,” aniya.

Samantala, nabigo ang POC Comelec na ilabas ang desisyon hingil sa apela ni Vargas sa kanyang diskuwalipikasyon kahapon.

Nagabang maghapon ang kampo ni Vargas kasama ang mga pribado nitong abogado subalit lumipas ang isang buong araw ng paghihintay ay wala maski anuman na pasabi o nakamit na impormasyon sa komite na pinamumunuan ni dating International Olympic Committee (IOC) representative Francisco Elizalde. (Lito Oredo)