Manny Pacquiao, left, of the Philippines, and Jessie Vargas pose during a weigh-in, Friday, Nov. 4, 2016, in Las Vegas. The two are scheduled to fight in a welterweight title bout Saturday in Las Vegas. (AP Photo/John Locher)

LAS VEGAS, NV. – Nakataya ang reputasyon ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa kanyang pagtatangka na bawiin ang World Boxing Organization (WBO) welterweight title kontra sa mas bata, at mas gutom sa tagumpay na si Jessie Vargas ng Mexico sa 12-round title fight Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Thomas and Mack Center sa loob ng University of Nevada campus.

Isang buwan bago ang ika-38 kaarawan, tatangkain ni Pacquiao na maitala ang kauna-unahang TKO win sa nakalipas na siyam na taon at tanghaling kauna-unahang boxer na magiging world champion habang isang aktibong Senador.

Tangan niya ang 7-1 bentahe sa odds maker.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ngunit, kung kasaysayan ang target ni Pacman, nakasentro ang atensiyon ni Vargas sa pedestal at sa katurapan ng minimithing tagumpay at respeto sa mundo ng boxing.

Ipinangako ng kampo ni Vargas na bibigyan nila ng magandang laban ang People’s Champion.

“You know we have [a big punch awaiting for Pacquiao], of course,” pahayag ni Dewey Cooper, trainer ni Vargas. “And when it lands, good night!”

Sa nakalipas na mga laban ni Pacquiao, nakawala sa kanyang kamao ang mga karibal dahilan para hindi matulad kina dating world champion Oscar de la Hoya, Ricky Hatton at Miguel Cotto na nakatikim ng KO’s.

“Manny Pacquiao has had a great career, and it would mean the world to me to beat him,” pahayag ni Vargas sa panayam ng USA Today.

“The few who have beaten him have become legends, and I look forward to joining that group.”

Sa kabila ng pagiging kampeon, marami ang hindi nakakakila kay Vargas at kung magaganap ang kanyang prediskyon na magapi ang future boxing hall-of-famer, naghihintay ang mas malalaking laban sa Mexican fighter.

Iginiit ni Pacman, mas mabigat sa timbang na 144.8 lbs. kumpara sa 146.5 lbs ni Vargas sa official weigh-in kahapon, handa siyang bigyan ng leksiyon ang karibal at kasiyahan ang boxing fans.

“I’m not a greedy person. I give tickets and money to the people and I give a good fight to the fans. That’s my mission,” aniya.

“Both of us have advantages in this fight, but it depends on how you use it and if you don’t know how to use your advantage, you’ll lose,” pahayag ni Pacquiao. “I’m hungry too, and I have advantages I know how to use in this fight.

“Jessie Vargas is the champion. He’s a lot taller than me and that’s an advantage, but it’s not the first time I’ve fought a taller guy. I cannot disclose how I’ll win the fight, but I can say I’m excited for Saturday.”

Tangan ng Pambansang Kamao ang 21 taong karanasan at 66 na laban tampok ang 58 panalo, kabilang ang 38 knockout, habang ipaparada ni Vargas ang 27-1 karta.

Sa undercard, magpapakitang-gilas din si four division world champion at defending WBO super bantamweight title holder Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire kontra undefeated challenger Jessie Magdaleno.