Hindi natinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bantang kudeta at mga planong malawakang kilos-protesta.

Nitong Biyernes ng gabi, nanawagan si Duterte sa militar at mga sibilyan na kontra sa kanyang foreign policy na pumunta sa Malacañang, kung saan sila ay panunumpain niya sa tungkulin para pamunuan ang gobyerno.

“Yung mga military who do not agree with me because they think I am closing my ties with America… no need for coup d’etat. God, you are wasting your bullet,” ani Duterte sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) regional convention sa Manila Hotel.

Idinagdag pa ng Pangulo na sinuman ang handang palakarin ang gobyerno ay magbibigay siya ng daan at agad na bababa sa pwesto.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Go to Malacañang, we’ll have coffee and I myself will swear you to run this Republic and solve the problem. Walang problema,” ayon sa Pangulo.

“Sa mga sundalo natin, most of them talagang nag-schooling ‘yan right after their days, along the career, pupunta ng Amerika ‘yan kasi nag-aral ‘yan doon,” lahad ng Pangulo. “So if you think that you can help, sabihin mo sa akin because I will appoint you a group of presidential advisers with a Cabinet position or without a portfolio but with the rank of a Cabinet. And I will follow your instruction to a tee,” dagdag pa nito.

Hinggil sa malawakang demonstrasyon, sinabi ng Pangulo na “for all I care. Wala akong illusions. Do not give me a reason to go out because you might have…you might get your wish.”

Kasabay nito, nagbabala ang Pangulo at sinabing hindi madali ang mamuno sa bansa.

“I cross the river at one o’clock in the afternoon and last night, [I] went back alas tres. Araw-araw ‘yan ah. Kung ganyan naman trabahong ibibigay mo sa akin, I can only endure that much,” kwento nito. “Pagdating ko doon lahat ng Department may folder… That is the work for the day and I read it until morning time making marginal notes, disapproving and that is it.”

Sinabi ng Pangulo na wala siyang intensyong tumakbo sa pampanguluhan noon, ngunit dahil sa kanyang pagmamahal sa bayan ay nagkaroon siya ng motivation. - Elena L. Aben