Hindi na ligtas ang sambayanan dahil ang mismong estado na dapat magbigay ng proteksyon ay nalulusutan pa ng kamatayan katulad ng nangyari kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr., na napatay mismo sa loob ng Baybay City jail kahapon ng umaga.

Ayon kay Senator Richard Gordon, nakakabahala ang ganitong sitwasyon at siya mismo ay naguguluhan sa insidente kayat hiniling niya sa pulisya na agad magsagawa ng imbestigasyon.

“This is a dagger in the heart of the criminal justice system as it appears that even those who are in the custody of the law are no longer safe,” ani Gordon.

Si Espinosa ay nauna nang sumuko kay Philippine National Police (PNP) Director General Roland de la Rosa matapos na lumabas ang kanyang pangalan sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iginiit ng alkalde na kaya siya sumuko dahil na rin sa pangamba na mapatay.

Ang kanyang anak na si Kerwin, tinaguriang drug lord sa Visayas, ay naaresto sa Dubai nitong nakaraang buwan. - Leonel M. Abasola