PATULOY na tinututukan at pinagkakatiwalaan ang GMA News TV ng mga manonood at sa katunayan ay ito ang pumangatlo sa channel ratings sa Mega Manila.

Sa nakalipas na 12 linggo (simula July 24 hanggang October 15) umabante pang lalo ang GMA News TV at sumusunod na ito sa GMA Network at ABS-CBN. Nasa ikatlong puwesto ito, kapantay ng TV5, ayon sa Nielsen TV Audience Measurement.

Patuloy na tinatangkilik ng publiko ang mga programa ng GMA News TV sa pangunguna ng pangtanghali nitong news bulletin na Balitanghali at ng flagship newscast nito na State of the Nation With Jessica Soho (SONA).

Ilang beses na ring kinilala bilang Best News Program ang Balitanghali at SONA. Kasama ang news anchors na sina Connie Sison at Raffy Tima, tampok sa Balitanghali ang maiinit na balita mula Lunes hanggang Biyernes. Samantala, ang Balitanghali Weekend naman ay pinangungunahan nina Mariz Umali at Jun Veneracion.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nananatili ring pinagkakatiwalaan ang SONA sa pagbibigay ng mas malalim na paglalahad ng balita. Kamakailan ay kinilala ang programa bilang Best News Program ng Catholic Mass Media Awards. Ang GMA News pillar at Peabody-awardee na si Jessica Soho ang anchor ng SONA.

Ang ilan pa sa mga inaabangang top-rating programs sa GMA News TV ay ang GMA News TV Quick Response Team (QRT); ang daily regional news broadcast na Balita Pilipinas Ngayon, at ang public affairs at lifestyle shows na Motorcycle Diaries, Ang Pinaka, at Idol sa Kusina.

 Simula nang itinatag ang GMA News TV, naging tahanan din ito  ng mga most awarded documentary program na Reel Time, Brigada, Investigative Documentaries, at ng talk program na Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie.

 At bilang bahagi ng pagbibigay ng de-kalidad na programa sa mga manonood, nakilala rin ang GMA News TV sa mga natatanging lifestyle show tulad ng information and magazine programs na Good News Kasama si Vicky Morales, I Juander, Pop Talk, Taste Buddies; travel show na Biyahe ni Drew; talk show na MARSat Tonight with Arnold Clavio; cooking program na Everyday Sarap with CDO; reality show na Day Off;drama anthology na Wagas; at sports program na News TV All Sports.