Hinimok ni Senator Panfilo Lacson ang gobyerno na ibalik ang warrant of arrest laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari matapos na magmungkahi ang huli na bigyang amnestiya ang Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon kay Lacson, nagdudulot ng maling impresyon ang nasabing pahayag ni Misuari dahil batid naman nitong hindi nakikipagnegosasyon ang gobyerno sa mga teroristang grupo, gaya ng ASG.

“The government should seriously consider asking the court that suspended Misuari’s warrant of arrest to immediately reinstate the same and put him in jail,” giit ni Lacson.

“While the AFP is in a relentless pursuit of a nearly decimated band of terrorists, here comes Misuari having the audacity to suggest amnesty. To think of our soldiers as well as their kidnap victims being tortured, mutilated and beheaded would be enough to make even the most decent human being think of retribution and vengeance,” dagdag niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Matatandaang sinuspinde ni Pasig City Judge Maria Rowena Modesto-San Pedro ng anim na buwan ang arrest warrant at ang paglilitis sa kasong rebelyon ni Misuari upang bigyang-daan ang peace talks ng gobyerno sa MNLF. - Leonel M. Abasola