VATICAN CITY (AFP) – Isanlibong preso, kabilang ang ilan na may habambuhay na sentensiya, ang makikibahagi sa isang espesyal na okasyon sa Vatican ngayong weekend, kasama ang 3,000 miyembro ng kanilang pamilya, prison staff at volunteers.

Ang mga bilanggo mula sa 12 bansa ay magkakaroon ng pagkakataon sa Sabado na mangumpisal at dumaan sa “Holy Door” ng Saint Peter’s Basilica, isang tradisyon sa Jubilee year ng mga Katoliko kung saan maaari silang humingi ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.

Sa Linggo, dadalo ang mga preso sa misa na pamumunuan ni Pope Francis.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina