SA kinitang $170 million, kinilala si Taylor Swift bilang highest-paid woman in music ngayong 2016, ayon sa Forbes magazine noong Miyerkules.

Sinira ni Swift, 26 anyos, ang North American touring record ng Rolling Stones, sa kinabig niyang mahigit $200 million sa Northen American mula sa kanyang 1989 world tour. Noong nakaraang taon, pumangalawa ang Bad Blood singer kay Katy Perry sa tinatayang $80 million.

Pinarangalan ang pop singer sa pinakaunang “Taylor Swift Award” sa BMI Pop Awards noong Mayo, pagbibiro niya na siya’y “would be kind of bummed” kung mapupunta ang parangal sa iba.

Pumangalawa sa listahan ng Forbes ang British Hello singer na si Adele, 28, na may kinitang $80.5 million, pinakamataas niya sa kasalukuyan. Patuloy na tinatamasa ni Adele ang tagumpay ng kanyang album na 25, na naging pinakamabenta noong 2015, at nagpapatuloy ang album sales ngayong taon at kumikita rin ng milyun-milyon sa kanyang mga arena show.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pumangatlo ngayong taon si Madonna, ang hinirang na highest-paid woman in music noong 2013. Kumita ang kanyang Rebel Heart ng $170 million, na naghatid sa kanyang career patungo sa total $1.4 billion pretax, ayon sa magazine.

Sa nakaraang 12 buwan, kumita si Madonna, 58 anyos, ng kabuuang $76.5 million. Mataas ito ng bahagya kaysa kay Rihanna, na kumita naman ng $75 million at tumanggap ng lifetime achievement award sa MTV Video Music Awards noong Agosto 28.

Nasa ikalimang puwesto naman ang Lemonade artist na si Beyonce, na nanguna noong 2014, sa kinita nitong $54 million.

Sa kabuuan, kumita ang sampung babae na nasa listahan ng Forbes ng mahigit $600 million ngayong taon.

Kinalap ng Forbes ang listahan makaraang tantiyahin ang pretax income para sa labindalawang buwan mula Hunyo 2015 hanggang 2016 batay sa panayam sa mga manager, ahente, abugado at iba pang mga star. Tiningnan din nito ang datos mula sa Pollstar, ang Recording Industry Association of America, at ang tracking firm na Nielsen SoundScan. (Reuters)