Umaasa na magkakaroon ng panibagong panimula ang koponan ng Star pagkaraan ng nakapanlulumong kampanya nakaraang taon sa paghahangad maibalik ang dating estado sa tulong ng bago nitong coach at dalawang de-kalibreng pointguard.

Nakuha nila sa Rain or Shine kapalit ng dating ace gunner na si James Yap si Paul Lee kasama ang Gilas cadet na si Jio Jalalon na inaasahang maghahatid na positibo sa koponan na tila nalimutan na kung paano ang magkampeon sa nakalipas na tatlong taon.

Kasama ng mga nalabing old reliables na sina Marc Pingris, Peter June Simon at Mark Barroca, umaasa ang marami na may kapasidad ang Hotshots na muling maging contenders ngayong 2017 PBA Season.

Ngunit sa kabila ng pag- amin na maaasahan ang core ng kanyang koponan, naniniwala ang bagong Hotshots coach na si Chito Victolero, pumalit sa dating coach na si Jason Webb, na nakadepende pa rin ang kanilang magiging tagumpay sa ipapakita nilang abilidad sa depensa.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“This team can defend. We just have to put them on the proper mindset that playing defense as our priority,” ani Victolero.

Makabubuti rin ani Victolero para sa Hotshots na mag-focus sa kanilang dapat na gawin at gustong makamit at huwag ng balikan ang nakalipas.

“This team is very successful. They have an impressive attitude and they know how to bounce back. They’ve already felt the highs and the lows, so it’s now up to them where they want to be this year,” ayon pa kay Victolero.

(Marivic Awitan)