MASAYANG ibinalita ni Robin Padilla kay Jing Monis via Instagram (IG) na may chance pa siyang mabigyan ng US visa para makalipad papuntang patungong Amerika at masamahan si Mariel Rodriguez habang isinisilang nito ang kanilang anak.
Post ni Robin sa IG: “Pareng @jingmonis may kalungkutan ang HUMANITARIAN PAROLE pero may last chance pa raw ako IN SHAA ALLAH -- from elizabeth vidanes.”
Ini-repost ni Robin ang natanggap na letter ni Linggit Tan mula sa isang Eden at sinabi nitong, “I suggest that Mr. Robin Padilla should write a letter directly to the Nonimmmigrant Visa Unit following up on his visa case.”
May email din si Michael Gurfinkel na ipinadaan kay Eden tungkol sa kaso ni Robin na hindi mabigyan ng US visa.
“@marieltpadilla Forward message of our immigration lawyer. I am sending in si Michael in the US Embassy to urgently process Robin’s visa because you already in the US, about to give birth, have history of miscarriages, and desperately want him to be by your side. Besides, this request has been pending for over a year. Will keep you posted.”
Nag-post din ng message si Mariel para kay Robin at sabi, “I love you so much! thank you for doing everything for us. Thank you for always thinking of my happiness.”
Hindi nawawalan ng pag-asa si Robin na mabibigyan pa rin siya ng US visa at makakalipad tungong Amerika para masamahan si Mariel ‘pag isinilang na nito ang baby girl nilang si Maria Isabella de Padilla. (Nitz Miralles)