Patuloy ang pananalasa ng mga Pinoy cue artists matapos na walo ang tumuntong sa knockout stage ng 2016 Kuwait Open 9-Ball Championship sa Al Ardiya Youth Center sa Kuwait City.

Nagtala ang mga world ranked na sina Warren Kiamco, Lee Van Corteza, Alex Pagulayan at Carlo Biado ng magkasunod na apnalo sa kanilang mga grupo upang umusad sa matira matibay na yugto ng torneo na nakataya ang kabuuang premyo na $275,000 kung saan iuuwi ng kampeon ang $50,000 at $25,000 sa ikalawang puwesto.

Binigo ni Kiamco si Mario He ng Austria (9-7) at Liu Haitao ng China (9-7) sa Group 8 habang pinatalsik ni Corteza si Mark Gray ng Great Britain (9-5) at Hsieh Chia Chen ng Taiwan (9-1) sa Group 9.

Ang Pilipino ngunit bitbit ang Canada na si Pagulayan ay pinatalsik si Bouchaib Farhat ng Morocco (9-3) at Shaun Wilkie ng US (9-8) sa Group 13 habang pinatalsik ni Biado si Ong Zhao Chieng ng Singapore (9-3) at Takenaka Hirishi ng Japan (9-5) sa Group 14.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsipagtala din ng panalo par makapasok sa main draw sina Allan Cuartero, Oliver Medenilla, William Millares at James Aranas Zoren.

Ang dating World No. 2 na si Dennis Orcollo ay nahulog naman sa loser’s bracket kasama sina Payual Valeriano, Anthony Raga, Ricky Boy Godez, Jeffrey Ignacio, Richard Alinsub, Elmer Haya at Edwin Gamas matapos na itala ang 1-1 panalo-talong kartada. (Angie Oredo)