Bibiyahe ka? Kailangang magbitbit ng sangkatutak na pasensiya—‘yung mas marami pa!

Ito ang apela ng gobyerno sa publiko upang mapaghandaan ang inaasahang matinding perhuwisyo sa kalsada at trapiko kaugnay ng pinaplanong 24-oras na konstruksiyon ng mga lansangan at iba pang pangunahing proyektong imprastruktura na layuning mapabuti ang sistema ng transportasyon sa bansa.

Sinabi ni Socio economic planning Secretary Ernesto Pernia na handa nang maging isang “world-class country” ang Pilipinas na mayroong modernong infrastructure network, ngunit bago ito, sinabi niyang kailangan munang maharap ng publiko sa matinding sakripisyo.

“Ang change na mangyayari muna would be, some, some inconvenience, some passion, but then it’s usually passion before resurrection,” sinabi ng National Economic and Development Authority (NEDA) director general sa press briefing sa Malacañang.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Before the country can really rise up and be… and be world-class country, and world-class city, Metro Manila and other cities here, there’ll be some inconvenience because you know when there’s construction going on, road widening project for example or railway project, talagang ano, mababahala ‘yung mga tao na mag-commute,” babala ni Pernia.

Target ng gobyerno na makumpleto ang ilang pangunahing proyektong imprastruktura, kabilang na ang Manila-Clark railway, Santa Monica-Lawton-BGC link bridge, at Metro Manila Bus Rapid Train System, sa susunod na tatlo hanggang limang taon.

Sinabi naman ni Public Works Secretary Mark Villar na kailangang 24-oras ang operasyon ng mga pagawain upang mapabilis ang pagkumpleto sa mga ito.