Nobyembre 5, 1967 nang isapubliko ang Ostankino Tower sa Moscow, Russia, bilang tanda ng ika-50 anibersaryo ng October Revolution. May taas na 1,771 talampakan (540 metro), ang toreng ito ang pinakamataas na istruktura sa Europe at ikalima sa mundo.
Hindi lang ito isang tourist attraction, ang Ostankino Tower ay binubuo ng radio at television broadcasting outfits, nagsasalin ng mga signal ng 11 istasyon sa telebisyon, 12 radio-broadcasting stations at 17 satellite TV programme na pawang ipinapadala sa pamamagitan ng wireless telecommunication network.
Ito ay dinisenyo ni Architect Nikolai Nikitin at inabot ng apat na taon para maitayo, sinimulan noong 1963. Ito ay ginastusan ng USD$ 65 million. Ito ay ipinangalan sa Ostankino district sa Moscow, kung saan ito matatagpuan.