DAVAO CITY – Sinabi kahapon ni government (GPH) implementing peace panel Chairperson Irene “Inday” Santiago na malaking posibilidad na mapagsama-sama ang mga grupong rebelde sa bansa—ang National Democratic Front (NDF) ng Communist Party of the Philippines (CPP), ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), at ang iba’t ibang paksiyon ng Moro National Liberation Front (MNLF)—sa mga susunod na negosasyong pangkapayapaan.

“Not yet, not now. I can foresee, maybe, someday we will get to that because you know we are thinking in terms of the entire country here,” sinabi niya sa isang press conference sa lungsod na ito.

Aniya, may kakayahan si Pangulong Rodrigo R. Duterte na pagkaisahin ang lahat ng grupo alang-alang sa pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Mindanao.

“And while it is divided into the CPP-NPA-NDFP process and MILF and MNLF process for now, I think President Duterte is so capable because he thinks that way. He is so capable of uniting his country,” aniya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

“We will not exclude anyone but we will include. It is difficult, now we have to start thinking of shared future.

Kailangan natin ng peace tables because an enabling law provides the framework, respect ourselves as a society,” sabi ni Santiago.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Santiago na hindi siya sigurado kung magkakaroon ng puwesto si Moro National Liberation Front (MNLF) Founding Chairman Nur Misuari sa Bangsamoro Transition Commission (BTC), ngunit ang pagtitiwala at pakikiisa ang Moro leader ay isang “very good sign” para sa hinahangad na kapayapaan sa Mindanao.

Matatandaang nagharap na nitong Huwebes ng hapon sina Pangulong Duterte at Misuari sa Malacañang makaraang sunduin ang huli ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa Jolo, kasunod ng suspensiyon ng arrest warrant at paglilitis sa kasong rebelyon ng dating gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

(Antonio L. Colina IV)