SUAL, Pangasinan – Pagpapaliwanagin ni Mayor Roberto Bing Arcinue ang principal ng National High kung bakit nakisali ang mga estudyante ng eskuwelahan sa kilos-protesta nitong Miyerkules laban sa pagpapatayo ng isa pang coal-fired power plant.
Iginiit ng alkalde na dapat na nasa klase ang mga bata nang araw na iyon, ngunit nakisali ang mga ito at nagtipun-tipon sa harap ng simbahan upang magsagawa ng protesta laban sa proyekto, sa mismong oras na nakatakdang dumating sa Sual si Pangulong Duterte para pangunahan ang ceremonial send-off sa 17 mangingisdang Vietnamese.
Sinabi ni Arcinue na bakit pinahintulutan ng mga opisyal ng paaralan ang child exploitation.
“They are still minor and under the absence of parental care when they involved themselves in a protest,” ani Arcinue.
Nabatid na mariing tinututulan ng ilang residente ang pagpapatayo ng isa pang power plant sa Sual.
(Liezle Basa Iñigo)