VATICAN CITY (AP) – Malugod na tinanggap ni Pope Francis ang multi-faith delegation sa Vatican, at ginamit ang okasyon para kondenahin ang terrorist attacks at iba pang karahasan na ginawa sa ngalan ng relihiyon.

Nakipagpulong si Pope Francis noong Huwebes sa 200 kinatawan ng iba’t ibang relihiyon, kabilang na ang Islam, Judaism at Christianity, sa Clementine Hall ng Apostolic Palace.

Sinabi niya sa kanila: “It is horrible that at times, to justify such barbarism, the name of a religion or the name of God himself is invoked. May there be clear condemnation of these iniquitous attitudes that profane the name of God and sully the religious quest of mankind.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina