Pansamantalang isasara ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ng Manila Police District (MPD) ang ilang kalsada sa Maynila kaugnay ng pagdaraos ng 2016 bar examinations sa apat na Linggo ng Nobyembre na magsisimula bukas, Nobyembre 6.

Batay sa inilabas na traffic advisory, nabatid na kabilang sa mga isasara sa Nobyembre 6, 13, 20 at 27 ang Dapitan mula Lacson hanggang P. Noval Streets, mula 10:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, gayundin ang westbound ng España Boulevard mula P. Noval hanggang Morayta, mula naman 5:30 ng umaga hanggang 7:30 ng umaga.

Isasara rin ang westbound ng España Boulevard mula 3:00 ng hapon onwards sa Nobyembre 27.

Upang makaiwas sa matinding traffic, magpapatupad din ang MDTEU ng traffic re-routing scheme sa mga nasabing araw.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Pinapayuhan ng MDTEU ang mga dadaan sa Dapitan patungong Quiapo na mula sa Lacson Avenue at dumiretso at kumanan sa España.

Ang mga dadaan sa Dapitan patungong Quiapo ay maaaring kumanan sa Lacson, kaliwa sa Aragon Street, patungong A. Mendoza, habang ang lahat na mula sa Nagtahan via Lacson na nais dumaan sa Dapitan ay maaaring dumiretso at kumaliwa sa Aragon at diretso sa A. Mendoza. (Mary Ann Santiago)