Laro ngayon

(San Juan Arena)

12:30 pm – Cignal vs Petron

3 pm – F2 Logistics vs Generika

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

5 pm – RC Cola-Army vs Foton

Pag-aalabin ng Petron Tri-Activ ang mahigpit na pagkapit sa liderato sa paghahangad nito sa ikaapat na sunod na panalo sa pagsagupa sa matinding Cignal HD Spikers sa tampok na laro ngayon sa 2016 Asics Philippine Superliga (PSL) Grand Prix presented by PLDT Home Ultera sa San Juan Arena.

Unang magsasagupa ganap na 12:30 ng tanghali ang Petron at Cignal bago ito sundan ng krusyal na salpukan ng F2 Logistics at Generika sa ikalawang laro sa ganap na 3:00 ng hapon sa nakatakdang eksplosibong tatlong laro na pinakahuling magtatapat ang RC Cola Army at Foton Tornadoes sa ganap na 5:00 ng hapon.

Muling pinamunuan ng high-scoring na import na si Stephanie Niemer ang Tri-Activ Spikers sa tatlong sunod nitong panalo upang manatili sa solong liderato matapos nitong biguin ang Lady Troopers sa loob ng apat na set, 25-23, 23-25, 25-18 at. 25-19.

Nasa likod lamang ng Tri-Active ang karibal na Foton Tornadoes na bitbit din ang malinis na karta na 2-0 panalo-talo upang tanging mga koponan na walang bahid kabiguan sa torneo na nakataya ang pagkakataon na irepresenta ang bansa sa AVC Asian Women’s Club Championship sa Chinese Taipei sa susunod na taon.

Si Niemer, na parte ng PSL-F2 Logistics Manila team na sumabak sa nakaraang prestihiyosong FIVB Women’s Club World Championship ay nagtala ng 20 kills, tatlong ace at isang block para sa kabuuang 24 puntos habang tumulong ang kapares nito na si Serena Warner ng 14 puntos habang si Frances Molina ay may 13 hits.

Bagaman mainit ang simula, sinabi ni Petron coach Shaq Delos Santos na nananatiling gutom at uhaw ang kanyang koponan na seryosong masungkit muli ang titulo na napanalunan ng koponan dalawang taon ang nakaraan kasama sina Alaina Bergsma ng United States at Erica Adachi ng Brazil bilang import.

“It’s still a long way to go,” sabi ni Delos Santos, ang Far Eastern University coach na nagsilbi na assistant ni George Pascua sa pagtatala ng Petron sa makasaysayang 13-0 sweep sa 2015 All-Filipino Conference.

“A good start means nothing if we don’t win the crown. That’s our goal right from the start. We remain hungry and motivated knowing that teams in the Grand Prix are all good,” sabi nito.

Ikalawang sunod na panalo naman ang asam ng F2 Logistics sa pagsagupa nito sa Generika Lifesavers. Nagawa ng Cargo Movers na itakas ang limang set na panalo, 25-23, 23-25, 25-18 at 25-19 kontra sa paboritong mag-uwi ng titulo na Cignal HD Spikers na sumabak sa una nitong laro.

Ikatlong sunod naman ang tangka ng Foton na pilit pananatiliin ang malinis na karta sa pagsagupa sa RC Cola Army.

“It was such a good game. Unfortunately, somebody had to lose,” sabi ni Cignal coach Sammy Acaylar. “The team made a promise to bounce back in our next game. That’s why I’m pretty optimistic about our chances against Petron.”

(Angie Oredo)