Inaprubahan ng House committee on dangerous drugs ang paglikha ng isang technical working group (TWG) na magtitipon sa 27 panukala para sa pagtatayo ng mga drug rehabilitation center sa iba’t ibang lugar sa bansa, partikular sa mga lalawigan.

Pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers ang komite sa pagbuo ng TWG sa isang pagdinig bago ang congressional break.

Nagkasundo ang mga miyembro ng komite na ang pagsasama-sama sa mga panukala sa pagtatatag ng mga drug rehabilitation center sa bansa ay magpapabilis sa pagsasapinal ng substitute measure na tiyak na makatutulong sa pagbabago at pagpapabuti sa buhay ng mga lulong sa droga. (Bert de Guzman)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!